KULTURANG PILIPINO
Ang Kulturang Pilipino ay pinaghalong mga impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop sa bansa ay nauna munang makarating dito ang mga mangangalakal mula sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon. Naimpluwesyahan na rin ng Hinduismo a Budismo ang mga katutubong mga paniniwala ng mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Isang magandang halimbawa nito ay ang karma na magpasahanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Ang pagdating naman ng mga mananakop na Kastila at pananatili nila sa bansa sa mahigit tatlong daang taon ay nagbigay ng malaking kontribusyon sa kultura ng mga Pilipino, gaya na lamang ng wikang Filipino na maraming hiniram mula sa salitang Kastila, ang Kristyanismo, at marami pang iba. Bukod sa mga Kastila ay dumating din sa bansa ang mga mananakop na Amerikano at Hapon. Ang kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao na naninirahan sa isang lipunan na nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.
Ang Lipunang Pilipino ay maaaring hatiin sa iba't ibang perspektibo. Nahahati ito sa isa bilang isang bansa, o sa iba't ibang mga pangkat sa kadahilanan na magkakahiwalay ang mga lugar dito o ang pagkakapulo-pulo na ayos ng bansa. Ang Pilipinas ay maaari ring hatiin sa pagitan ng mga Kristyano at Muslim, at iba pang pang mga relihiyon. Nahahati rin ito sa iba't ibang pangkat tulad ng mga pangkat na nasa mga lungsod at nasa mga nayon, mga tagabundok at mga tagapatag, at maging ang mga mayaman at mga mahirap.
Ilan sa mga magagandang kaugalian ng mga Pilipino ay ang mga sumusunod:
Bayanihan
Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saanman kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayang malapit dito ay agad na tutulungan ang drayber anuman ang mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat-bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay-sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang hindi gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga lipunan sa Europa at Amerika.
Casinos in Missouri - Jammyhub
TumugonBurahinAt casinos 군포 출장마사지 in Missouri you 이천 출장샵 will find plenty of slot 경기도 출장안마 machines 경상북도 출장마사지 and table games like 강릉 출장마사지 Roulette, Blackjack, Keno, Craps, Craps, and more, plus a live casino.